(credits to the owner of the image)
Juan N. Luna
Ang dakilang Pintor
Si Juan Novicio Luna ay
ipinanganak sa Badoc, Ilocos Norte noong Oktubre 23, 1857, kapatid niya si
Antonio Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana Novicio.
Taong 1874 ng
magtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila ng kursong "Bachiler de
artes'. Likas ang hilig niya sa pagpipinta kaya nag-aral din siya sa Academia
de Dibujo y Pintura sa Maynila na pinamamahalaan ng mga bantog at kilalang
kastilang pintor.
Nagtungo siya sa
Espanya taong 1877 upang magpakadalubhasa.
Pumasok siya sa
tanyag na Escuela de Bellas Artes sa Madrid. Dahil sa husay niyang magpinta ay
umani si Juan Luna ng paghanga at papuri. Nahirang din siyang pensiyanado sa
Europa ng pamahalaang Pilipino. Siya ay pinagkalooban ng taunang pensyon sa
loob ng apat na taon, sa kasunduang taun-taon ay gagawa siya ng isang larawang
magagamit na palamuti sa iba't ibang gusali ng pamahalaang Pilipinas.
Naglakbay siya sa
iba't ibang bansa sa Europa. Narating niya ang Roma, Italia at Paris kasama
niya ang kanyang guro na si Alejo Vera.
Nagkamit ng
medalyang ginto ang kanyang iginuhit na "Ang Kamatayan ni Cleopatra"
at naipagbili niya sa pinakamataas na halagang maibabayad sa isang pintura.
Taong 1884 ng
kanyang iginuhit ang bantog na "Spolarium" na nakilala at hinangaan
sa lahat ng kanyang mga ginawa. Marami pang ibang likha si Juan Luna na
hinahangaan ng marami habang siya ay nasa Europa.
Nagbalik siya sa Pilipinas
noong 1894.
Taong 1896 ng siya
ay hulihin ng mga kastila at ibinilanggo sa Fort Santiago sa bintang na siya ay
may kinalaman sa gawain ng mga katipunero, kasama niyang nakulong ang kanyang
kapatid na si Heneral Antonio Luna.
Pinalaya siya noong
1897. Muli siyang umalis ng Pilipinas at naglakbay sa iba't ibang bansa sa
silangan. Subalit inabot siya doon ng karamdaman.
Disyembre 7, 1899 ng
siya ay bawian ng buhay.
No comments:
Post a Comment