(credits to the owner of the image)
Apolinario Mabini
Ang Dakilang Lumpo
Si Apolinario Mabini
ay isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa nayon ng Talaga, Tanauan, Batangas. Ang
mga magulang niya ay sina inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Pangalawa siya
sa magkakapatid.
Nagmula siya sa
mahirap na pamilya. Nakagisnan na niya ang hanapbuhay ng kanyang magulang na
pagtatanim ng kung anu-anong gulay. Kahit naghihikahos nagsikap ang pamilya
niya upang maitaguyod ang kanayang pag-aaral sa Maynila.
Nagtatrabaho siya
habang nag-aaral sa San Juan de letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Habang
nag-aaral ay sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal at naging aktibo
siyang miyembr. Nagtapos siya ng abogasya noong 1894.
Taong 1896 ng
magkasakit siya ng 'paralysis' na naging dahilan ng kanyang pagkalumpo. Lihim
siyang ipinatawag ni Aguinaldo at ginawa siyang opisyal na tagapayo. Nang
pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan siya nito ang
kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Taong 1899 ng si
Mabini ay dakipin at ipinabilanggo ng mga Amerikano sa Nueva Ecija. Sa kulungan
ay kanyang isinulat ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang
Filipino."
Enero 5, 1901 ng
siya ay ipinatapon sa Guam kasama ng iba pa. Ngunit nagbalik siya sa bansa
noong Pebrero 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa pamahalaang Estados
Unidos. Nakumbinsi siyang kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano sapagkat
naisip niya na malulutas lamang ang suliranin ng Pilipinas sa pamamagitan ng
pakikipagkaibigan.
Namatay siya sa
sakit na kolera sa idad na 39 noong Mayo 13, 1903 sa Nagtahan, Manila.
No comments:
Post a Comment