(credits to the owner of the image)
Jose P. Rizal
Pambansang Bayani ng Pilipinas
Si Jose
Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala sa pangalang Jose P. Rizal, ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna. Ikapito
siya sa labing-isang magkakapatid. Ang mga magulang niya sina Francisco Rizal
Mercado at Teodora Alonzo Realonda. Ang kanyang ina ang una niyang naging guro.
Maagang nalantad si Rizal sa mga pang-aabusong ginawa ng mga kastila sa mga
Pilipino. Sa i-dad na labing isang taon labis na nabuo sa kanyang isip ang
panggagarote sa tatlong paring sina Padre Gomez, Burgos at Zamora.
Pumasok siya
sa Ateneo at nagtapos dito ng Bachelor in Arts na may mataas na karangalan.
Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas kumuha siya ng pilosopiya at
medisina. Noong 1882 siya ay nagtungo sa Europa. Nag-aral siya ng medisina sa
Universidad de Central Sa Madrid, España at nagtapos noong 1885. Samantalang siya ay
nasa Europa nakibahagi siya sa pagtuligsa sa mga pang-aapi at kalabisan ng mga
Kastila sa Pilipinas. Kasama ang ilang dakilang Repormista tulad nina Graciano
Lopez Jaena humingi sila g pagbabago. Isinulat niya ang 'Noli Me Tangere' sa
Berlin noong 1887 at 'El Filibusterismo' sa Belgium noong 1891.
Noong 1892
nagbalik si Jose Rizal sa Pilinas kahit na alam niya ang panganib na
naghihintay sa kanya bunga ng kanyang mga isinulat. Ipinagpatuloy niya ang
kanayng makabayang gawain at noong Hulyo 3, 1892 itinatag niya ang 'La Liga
Filipina'. Pagkatapos ng ilang linggo dinakip siya at ipinatapon sa Dapita.
Nagprisinta siyang maipadala sa Cuba bilang manggagamot, subalit habang nasa
biyahe patungo roon ay dinakip siya at ibinalik sa Pilipinas. Ipiniit siya sa
Fort Santiago kung saan isinulat niya ang Mi Ultimo Adios at pinatay siya
bilang martir noong Disyembre 30, 1986.
Dito
nagtapos ang buhay ni Rizal at pagsisimula ng bagong pag asa ng henerasyon.
No comments:
Post a Comment