Thursday, August 30, 2018

Talambuhay ni Gregorio del Pilar


(credits to the owner of the image)

Gregorio del Pilar
Bayani ng Pasong Tirad

     Si Gregorio del Pilar ay ipinanganak noong Nobyembre 14, 1875 sa Bulakan. Ang mga magulang niya ay sina Fernando del Pilar at Felipa Sempio. Pamangkin siya ni Marcelo del Pilar.

    Bata pa lamang siya ay nauunawaan na niya ang kalagayan ng kanyang bayan. Malimit siyang tumanggap ng maliliit na aklat na naglalaman ng mga sinulat nina Rizal, Lopez Jaena, del Pilar at iba pa mula kay Marcelo.

     Nagpakita din siya ng katapangan ng pakialaman niya ang mga aklat na ipinamumudmod ng isang pare na tumutuligsa at nagpaparatang sa mga Pilipinong nagpapakasakit alang-alang sa bayan. Pinalitan niya ng mga pahina na pinilas niya mula sa mga aklat na pinadadala sa kanya ng tiyuhing si Marcel del Pilar na nagpapakita naman ng pagmamahal sa bayan. Layunin niya ay ituwid ang mga maling paratang ng mga kastila sa mga Pilipinong repormista.

     Nag-aral din siya sa Ateneo taong 1880 at nakitira siya sa bahay ng kanyang tiyuhin, kung saan itinatag ang Katipunan. Nahikayat siyang maging mensahero ng mga propagandista, at dahil doon natanim sa kanyang murang isipan ang gawain ng Katipunan.

    Nagtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo noong Marso, 1896. Hindi nagkaroon ng katuparan ang pangarap niyang makapagturo sapagkat sumiklab ang Himagsikan. Sumapi siya sa grupo ni Col. Vicente Enriquez at kasama siyang napalaban sa Kakaron de Sili, at sa Paombong. Humanga sa kanya si Aguinaldo kaya nataas ang kanyang ranggo bilang tinyente-koronel. Siya ang nanguna sa labanan sa Bulakan kung saan pinalaya niya ito mula sa pagkakasakop.

     Nang mamatay si Hen. Antonio Luna siya ang humalili dito, Tinugis sila ng kalabang Amerikano sa Pasong Tirad.

     Dahil sa magiting na pagtatanggol sa Pasong Tirad ay namatay siya, kasama ang ilan niyang mga tauhan. Ito ay noong Disyembre 2, 1899. Subalit bago siya namatay ay sinulat niya sa kanyang diary na "Isang napakahirap na gawain ang sa kanya'y nakaatang, subalit masaya siyang mamamatay para sa kanyang minamahal na bayan.

No comments:

Post a Comment