Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa pang lugar ay tinturing din na anyong tubig.
Ilan sa mga anyong tubig ay ang mga sumusunod:
Karagatan - ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiyano, Karagatang Artiko, at ang Katimugang Karagatan.)
Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)
Golpo - isang malawak na look.
Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal - anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito.
Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis - isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.
hi
ReplyDeletelugar?
ReplyDeleteLugar?
ReplyDeleteSa Pilipinas po ba matatagpuan ang mga anyong tubig na ito?
ReplyDeleteUng Taal lang ang alam ko dyan
ReplyDelete