(credits to the owner of the image)
Andres Bonifacio
Nagtatag ng katipunan
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo
Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang mga magulang niya ay sina Santiago
Bonifacio at Catalina de Castro na isang mestisang Espanyol at nagtatrabaho sa
isang pabrika ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa Don Guilermo Osmena sa
Meisik, subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon (19), kaya
napilitan siyang huminto sa pag-aaral.
Naghanapbuhay
siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nagsikap na lang siyang mag-aral
sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat. Natuto siyang gumawa at magbenta ng
mga pamaypay na papel at mga baston. Naging mensahero siya ng Fleming and Co.
At pagkaraan ay naging ahente dito. Ilan sa mga librong nabasa niya ay ang
Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa ng mga pangulo ng Estados Unidos at iba pang
mga makasaysayang aklat.
Hinubog ng
mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres Bonifacio
kasama ng ilang kilalang tao ay patago at lihim na nagtipon sa Azcarraga,
Maynila upang itatag ang KKK o "Kataas-taasan Kagalang-galang na
Katipunan". Subalit noong pagkaraan ng apat na taon ito ay natuklasan ng
mga autoridad at binalak buwagin.
Dahil dito
pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang himagsikan noong Agosto 23 sa
pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan, kung saan pinunit nila ang
kanilang mga cedula. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Andres Bonifacio at
Emilio Aguinaldo tungkol sa pamumuno. Dinakip si Bonifacio sa salang
pagtataksil sa bayan. Nahatulan siya ng kamatayan at pinatay ng mga sundalo sa
bundok ng Tala, Cavite noong Mayo 10, 1897.
No comments:
Post a Comment