Antonio N. Luna
Ang Dakilang Heneral
Si Antonio Novicio Luna ay
ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis Tondo, Maynila, Kapatid niya ang
kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin Luna at
Laureana Novicio.
Nag-aral siya sa
Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtungo siya sa
Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya.
Habang nasa Espanya
ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H.
del Pilar. Sama-sama nilang ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga kababayan
nila sa Pilipinas.
Nang siya ay umuwi
sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa Municipal Laboratory ng
Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga artikulo sa
"La Solidaridad" noong panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay
ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo sa madrid sa hinalang siya ay kasapi ng
mga manghihimagsik.
Nagbalik siya sa
Pilipinas.
Nang sumiklab ang
digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa mga manghihimagsik ni
Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at katapangan ginawa siyang
Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Military Academy para
ihanda niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerikano. Nabingit siya sa
kamatayan ng sumuong siya sa mahigpit na labanan sa La Loma. Natalo siya sa
pakikipaglaban ngunit hindi siya sumuko.
Siya ay tunay na
bayaning nagmahal sa kanyang bayang tinubuan. Ipinaglaban niya ang kalayaan
nito hanggang sa kanyang huling hininga.
Noong Hunyo 5, 1899
ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa gulang na 30. Bago paman
mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na nagsasabing ang kanyang ari-arian
ay mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang katawan ay ibabalot sa bandila ng
Pilipinas bago ilibing.
No comments:
Post a Comment