(credits to the owner of the image)
Emilio Jacinto
Utak ng Katipunan
Si Emilio jacinto ay
isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay
sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon na isang midwife or hilot.
Mahirap lamang ang
kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang siya sa San Juan de Letran sa tulong ng
isang tiyuhin. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo tomas kung saan kumuha
siya ng abogasya. Doon ay naging kamag-aral niya sina Osmena, Quezon at
Sumulong.
Taong 1894 ay sumapi
siya sa Katipunan. Labing-siyam na taong gulang siya noong at siya ang
pinakabatang kasapi ng samahan. Mula sa una niyang pakikipaglaban sa Balintawak
at Pasong Tamo ay pinagkatiwalaan at hinirang siya ni Andres Bonifacio bilang
heneral sa hukbo ng Katipunan sa parteng hilaga. Isa siyang dalubhasang
manunulat. Marami ang nagsabi na nahigitan pa niya si Bonifacio. Sapagkat hindi
ang Dekalogo ni Bonifacio ang ginamit ng Katipunan kundi ang sinulat niyang
'Kartilya', nakapaloob dito ang mga turo ng KKK. Dahil dito kinilala siyang
"Utak ng Katipunan at Himagsikan".
Nagkahiwalay sila ni
Bonifacio ng sumiklab ang himagsika. Isang taon pagkaraang mapatay si
Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa Labanan at nadakip siya ng mga
kaaway. Ito ay noong Pebrero 1898, ngunit nakatakas siya at nagtungo siya sa
Maynila.
Ipinasiya niyang
bumalik muli sa Laguna at doon ipinagpatuloy ang kanayng pakikibaka, subalit
nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899 namatay siya sa sakit na malaria. Ang
kanayng mga labi ay nalalagak ngayon sa "Cementerio del Norte sa Maynila.
No comments:
Post a Comment